Si Jose Marie Viceral, mas kilala bilang Vice Ganda, ay isang sikat na komedyante at isang permanenteng hurado sa Showtime, isang popular na palabas sa ABS-CBN
Si Vice Ganda ay dating stand-up comedian, na kilala bilang The Library. At natuklasan siya Ogie Diaz,isang talk show host at columnist na ngayo'y naging isa rin sa kanyang naging mabuting kaibigan.
Ang komedyanteng si Vice Ganda ay lumaki sa Tondo, Maynila. Ang
kanyang ina ay lumipat sa United States para magtrabaho pagkatapos
mamatay ng kanyang ama sa isang shooting incident,13 years old pa siya
noon. Siya rin and pinakabunso sa dalawa niyang kapatid na babae at
dalawang kapatid na lalaki.
Ang pinaka una niya major concert ay na held noong May 15, 2010
entitled "May Nagtext Yung Totoo Vice Ganda sa Araneta" at nung sa July
1, 2011,ikalawang major concert niya rin "Eto na Vice Ganda Todong
Sample sa Araneta".
Di lang siya resident burado sa pre-noontime show na Showtime, siya
rin ay host ng kanyang sariling show na "Gandang Gabi Vice", yung ay
ipinapalabas tuwing Linggo, 9:30 ng gabi sa ABS-CBN.
TRIVIA:
Ang "Vice Ganda" ay galing sa kanyang apelyedo na Viceral at "Ganda"
ay nagpapalarawan sa kanyang pagkatao at kung paano niya tingnan ang
sarili niya, ayon sa kanya. Ang kanyang mga kaibigan at katrabaho ay
sinimulan siyang tinawag gamit ang kanyang screen name.
Si Vice Ganda at ang kanyang ina na si Rosario ay nagkita muli pagkatapos ng 19 years.
Namatay ang kanyang ama nang hindi nalalaman na siya ay bading.
Ang kanyang dalawang kapatid na lalaki ay bading rin.
Siya ang unang artista na nagkaroon ng 1 million fans sa Facebook. At ngayon, mahigit 3 million fans na.
Ang kanyang unang debut album ay pinamagatang "Vice Ganda Lakas Tama".
Petrang Kabayo, ay ang unang starring role ni Vice Ganda in big
screen na nag grossed nang around 108 million pagkatapos lang ng unang
linggo.
No comments:
Post a Comment